Post by -MwUaHuGs- on Jan 22, 2006 21:21:01 GMT 8
Nakarating ka na ba sa paraiso?
Ako, oo. Noong bagong taon. Matagal kong
pinangarap na makarating doon. Kaya naman
habang binabaybay ko ang daan patungo doon,
para akong batang pinagmamasdan ang buong
paligid. Pilit na pinagsisiksikan sa aking mga mata ang lahat na puwede kong
masagap--bawat ulap, bawat talsik ng tubig,
bawat puno...
Kahit pa kinailangan kong maglakbay sa tubig, di
ko alintana yun. Kaligayahan nga ang dulot ng
bawat hampas ng karagatan sa aking sinasakyan.
Sa wakas! Andito na ko. Alam ko dahil kakaiba
ang simoy ng hangin. Alam ko dahil magaan ang
loob ko. Alam ko dahil kasama ko sila...
Kasama kita.
Tingnan mo nga naman ang biro ng tadhana.
Hindi si ano, hindi si kwan, kundi ikaw. Tanong ko
nga sa sarili ko, may kahulugan ba ito? O
pagkakataon nga lang ba?
Hindi nga tayo magkaimikan nung simula eh. May
kausap kang iba, iba rin ang kasama ko. Pero
pinaglapit tayo. Sadya man o hindi. Naramdaman
ko na lang sa isang iglap na hawak-kamay nating
pinakikinggan ang bulong ng hangin, ang sigaw
ng alon...
Hanggang sa pagtulog, hindi tayo naghiwalay.
Habang nahihimbing ka, pinagmasdan kita. Ano
kaya ang tumatakbo sa isip mo? Ayos ka nga
lang ba talaga tulad ng sinabi mo noong una
tayong nagkakilala? O naguguluhan ka ding tulad
ko? Gusto kitang yakapin nang mahigpit, alagaan,
upang hindi ka na muling masaktan pa... Pero
paano? Paano, gayong hindi pa ko nakakawala
sa aking nakaraan? Paano, kung puno ako ng
alinlangan sa kung ano man ang kahahantungan
ng lahat ng ito?
Marahil ay wala ka ring kasagutang maibibigay.
Sapat na sa ngayon ang makita ko ang ngiti mo at
marinig kong sabihin mo na ang mahalaga ay
masaya tayo.
Sana, makabalik tayo sa paraiso. At sana, sa
pagbalik nating 'yon, lumiwanag ang lahat.
Hanggang sa muli nating pagkikita...
Sa paraiso.
(gus2 ko lng ishare guys...)